
- Gulo sa Senado, ikinababahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.; pag-amyenda sa rules para payagan ang remote attendance, hindi pinaboran ng Pangulo
- Atty. Jimmy Bondoc, sinabi na hindi na niya alam ang lokasyon ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa; huling komunikasyon sa senador, bago pa ito umalis ng Senado
- Iba pang senador, posibleng maimbestigahan kung tutulong sa pagtatago ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa; Interior Secretary Jonvic Remulla, nananawagang sumuko na ang senador

Bukod sa travel tax at terminal fee, may panibago na namang bayarin para sa mga biyahero. Alamin.

Nagdeklara ang Israel ng combat zone sa southern Lebanon at inatasan ang mga residente na lumikas habang inilulunsad nito ang panibagong opensiba laban sa grupong Hezbollah.
Dulot ng matinding pag-atake, malawakang pinsala ang naitala sa mga apektadong lugar, kabilang ang ilang makasaysayang lugar na itinuturing na mahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan ng Lebanon.

Nagtungo ngayong hapon sa Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada upang maglagak ng ₱90K piyansa matapos maglabas ang korte ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong graft laban sa kanya.
Naghain din ng mosyon ang kampo ng senador upang hilingin sa Sandiganbayan na bawiin ang inilabas na arrest warrant.

Nahaharap sa reklamong indirect contempt sa Korte Suprema si Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago dahil sa umano’y paglabag sa confidentiality rule ng isang disbarment case.
Samantala, iginiit ng kampo ni Rep. Elago na politically motivated ang isinampang kaso laban sa kanya.