
Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado sa nangyaring pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga University noong August 18, lumalabas na dumaan umano ang estudyanteng shooter sa ramp na nakatalaga para sa mga persons with disability.
Dahil dito, nakalusot umano siya sa regular na security checkpoint ng unibersidad.

Isang bagyo ang may medium chance na pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Linggo, August 23, o Lunes, August 24.
Samantala, patuloy namang nakaaapekto ang habagat sa hilagang bahagi ng Luzon.
- Live streaming ng mga kritikal na lugar na binabaha, pag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority; tuloy-tuloy na pag-ulan sa buong Agosto, inaasahan ng PAGASA
- Pagtatayo ng detention basin sa bahagi ng G. Araneta Avenue, pinag-aaralan ng Department of Public Works and Highways
- Motibo ng junior high school student na namaril sa paaralan sa Zamboanga City, patuloy na inaalam ng pamahalaan

Kapwa hawak ng OP Bagong Pilipinas at AFP Cavaliers ang 2-0 record sa second round ng UNTV Cup Season 12 quarterfinals.
Dahil sa kanilang standing, tiyak na ang dalawang koponan sa semifinals.
.png)
Kapwa nagbabanggaan ang posisyon ng Amerika at Iran matapos ang 60-day window na nakasaad sa Memorandum of Understanding na nilagdaan sa France.
Nagbigay ang Iran ng panibagong 3 linggong ultimatum sa Amerika para tugunan ang kanilang mga hinihingi, habang patuloy namang pinapalakas ng Estados Unidos ang alyansa nito sa harap ng posibilidad na muling sumiklab ang digmaan.