Back

UNTV News and Rescue

4:09
Politics

DOTr, tiniyak na walang hihinging requirements sa mga LGBTQIA+ para sa libreng sakay sa tren

December 12, 2025 6:59 PM
PST

Tiniyak ng Department of Transportation na walang hihinging requirements o validation ang mga train operator para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ na nais mag-avail ng libreng sakay sa tren sa darating na December 22.

Samantala, ayon sa isang lawyers group, hindi dapat malabag ng naturang libreng programa ang karapatan ng sinumang LGBTQIA+ commuter.

2:39
Politics

DOJ, hihintayin ang desisyon ng SC sa FPRRD case bago umaksyon sa posibleng ICC warrant vs Sen. Bato

December 12, 2025 6:59 PM
PST

Inihayag ng Department of Justice na hihintayin nila ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bago aksyunan ang posibleng ICC warrant laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

2:41
Health & Lifestyle

WHO, nanindigang hindi nagiging sanhi ng autism ang anumang uri ng bakuna

December 12, 2025 6:58 PM
PST

Mariing pinabulaanan ng World Health Organization ang matagal nang maling paniniwala na may kaugnayan ang bakuna sa autism.

Ito’y sa gitna ng patuloy na pagkalat ng maling impormasyon sa Estados Unidos matapos baguhin ng US Centers for Disease Control ang kanilang posisyon hinggil sa usapin.

3:20
Politics

Plunder at graft charges, inihain sa Ombudsman laban kay VP Duterte

December 12, 2025 6:58 PM
PST

Naghain ng patong-patong na reklamo sa Office of the Ombudsman ang ilang grupo laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasama rito ang plunder at malversation kaugnay ng umano'y anomalya sa paggamit ng confidential funds ng kanyang opisina.

Nanawagan din ang mga complainant na masusing imbestigahan ang pangalawang pangulo para sa posibleng paghahain muli ng impeachment complaint laban sa kanya.

4:21
Politics

Sen. Gatchalian, tiniyak na may sapat pang araw para ratipikahan ang 2026 budget

December 14, 2025 4:19 PM
PST

Nilinaw ni Senator Sherwin Gatchalian na may sapat pang panahon para ratipikahan ang proposed 2026 national budget.

Idinetalye rin ng Senate finance committee chairperson ang bagong proseso ng Kongreso para sa ratipikasyon ng panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.