Naghain ng patong-patong na reklamo sa Office of the Ombudsman ang ilang grupo laban kay Vice President Sara Duterte.
Kasama rito ang plunder at malversation kaugnay ng umano'y anomalya sa paggamit ng confidential funds ng kanyang opisina.
Nanawagan din ang mga complainant na masusing imbestigahan ang pangalawang pangulo para sa posibleng paghahain muli ng impeachment complaint laban sa kanya.






















