
Dumaan sa tamang proseso ang ipinasang 2026 budget ng Kamara.
Ito ang binigyang-diin ng liderato ng Kamara sa gitna ng alegasyong tumaas ang umano’y insertions sa 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa distrito ng House Speaker at ng House Appropriations Panel chairperson.

Asahan ang mas matinding traffic sa EDSA dahil bago matapos ang taon ay sisimulan muli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang planong rehabilitasyon sa major highway sa Metro Manila.
Ang nasabing EDSA rehab ay naantala na at dapat sana ay noong Nobyembre pa.

Ngayong uso na ang online transactions, makikisabay na ang EDSA Busway matapos ilunsad kanina ang cashless payment sa mga bus.

Patuloy nang humihina at halos wala nang kakayahang maglunsad ng malalaking pag-atake ang mga lokal na terrorist group sa bansa.
Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, indikasyon ito ng pagbuti ng seguridad at turismo, lalo na sa Bangsamoro.

Mariing tinutulan ng Malacañang ang pagbansag sa Pilipinas bilang “ISIS training hotspot.
”Kasunod ito ng kumpirmasyon na bumisita sa bansa ang mga suspek sa Bondi Beach shooting sa Australia.