
Kinumpirma ng Korte Suprema ngayong araw na inilipat na sa korte sa Lapu-Lapu City, Cebu ang kaso laban kay Sarah Discaya at sa kanyang mga kapwa-akusado.

Hindi muna itinutuloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang implementasyon ng surge pricing cap sa mga Transport Network Vehicle Service na pasisimulan sana ngayong araw.
Ayon sa ahensya, muli rin nilang pag-aaralan kung paano ireregulate ang fair matrix ng mga TNVS upang ibsan ang reklamo ng mga driver at pasahero.

Maging propesyonal sa lahat ng pagkakataon.
Iyan ang paalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong promote na opisyal ng Philippine National Police sa gitna ng ingay at kontrobersya sa politika.

Maaaring may mababalik sa natapyas na pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ang ipinahahayag ni Senate Finance Committee Chairperson Senator Sherwin Gatchalian bago mag-resume ngayong hapon ang pagtatalakay sa 2026 proposed national budget ng Bicameral Conference Committee.

Humarap kaninang tanghali sa pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) ang pickup driver na nag-viral kamakailan matapos manakit ng isang lalaking nagkakariton sa Antipolo.
Kaugnay nito, agad na nagpasya ang LTO ngayong araw na i-revoke ang lisensya ng nasabing driver.