Back

UNTV News and Rescue

1:43
Lifestyle

Cashless payment, ipatutupad sa lahat ng biyahe ng bus – DOTr

December 18, 2025 7:54 AM
PST

Maaari nang magamit ang mga e-wallet sa pagbabayad ng pasahe sa mga bus na bumibiyahe sa EDSA carousel.

Kahapon, inilunsad ng Department of Transportation o DOTr katuwang ang pribadong sektor ang cashless payment sa bus.

‍

1:01
Crime & Investigation

Pilipinas, nananatiling ‘high risk’ sa money laundering — AMLC

December 18, 2025 7:53 AM
PST

Nanatiling mataas ang banta ng money laundering sa Pilipinas matapos matukoy ng Anti-Money Laundering Council na patuloy itong sinasamantala ng mga kriminal na sangkot sa ilegal na droga, panloloko, at environmental crimes.

Sa inilabas na national risk assessment, sinabi ng AMLC na umuusbong ang mga modus operandi sa pamamagitan ng digital platforms, cryptocurrency, casino junkets, at cross-border remittance networks.

‍

1:51
Politics

24/7 rehab ng EDSA, sisimulan sa December 24 hanggang January 5 — DPWH

December 18, 2025 7:53 AM
PST

Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways o DPWH na tuloy na tuloy na ang planong rehabilitasyon ng EDSA na naudlot nitong nakaraang mga buwan.

Ayon kay Sec. Vince Dizon, sisimulan na nila ito kasabay ng holiday break o pag-uwi ng karamihan sa kani-kanilang mga probinsya.

‍

2:10
Politics

Ipinasang 2026 budget ng Kamara, dumaan sa tamang proseso

December 18, 2025 7:53 AM
PST

Binigyang-diin ng liderato ng Kamara na dumaan sa tamang proseso ang ipinasang 2026 budget ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Sa gitna ito ng alegasyong tumaas ang umano’y insertions sa 2026 budget ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa distrito ng House Speaker at ng House Appropriations Panel Chairperson.

‍

1:36
Politics

Re-enactment ng 2025 budget, re-enactment ng katiwalian – Rep. Cendaña

December 18, 2025 7:52 AM
PST

Kailangang iwasan ng Bicameral Conference Committee o bicam na mauwi sa re-enactment ng 2025 budget ang 2026 national budget.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, ang re-enactment o muling pagpapatupad ng 2025 budget aniya ay re-enactment o pag-uulit ng katiwalian.

‍