
Mainam na hintayin pa rin ang pinal na resulta ng imbestigasyon.
Ito ang pahayag ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. sa gitna ng naglalabasang anggulo sa pagkamatay ni DPWH undersecretary Catalina Cabral.

Pormal nang pinaiimbestigahan sa Kamara nina House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice at 11 pang kongresista ang biglaang pagkamatay ni former DPWH Undersecretary Catalina Cabral.

Ilang araw kasunod ng pagtatapos ng deliberasyon ng bicameral conference committee o bicam para pagkasunduin ang bersyon ng panukalang pambansang pondo sa susunod na taon ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ipinagtanggol ni House Speaker at Isabela 6th District Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy III ang 2026 national budget.

Tiniyak ni Senate Finance Committee Chairperson Senator Sherwin Gatchalian ang maayos na pag-iimprenta ng draft ng enrolled bill para sa 2026 national budget.
Aprubado na ng Senado at Kamara ang pagpapalawig ng legislative calendar hanggang sa Lunes, December 29.

Posibleng ipatupad nang ilang araw ang reenacted budget sa Enero 2026.
Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto sa gitna ng pagpapasa ng Kongreso ng proposed 2026 national budget.