
Nasa 3,000 overseas Filipino workers ang may kinakaharap na kaso sa ibat ibang bansa.
Pinaka maraming naitalang kaso ay sa mga lugar na malaki rin ang populasyon ng OFW gaya ng Saudi Arabia, maging ang UAE at Europa.

Nagbigay ng ilang tips ang Meralco sa mga dapat gawin para maka-iwas sa posibleng pagsiklab ng sunog kaalinsabay ng selebrasyon ng holiday season.
Paalala ng Meralco sa kanilang mga customer, tanggalin sa saksakan ang mga pailaw, o anumang appliances kung hindi ginagamit o aalis ng bahay.

Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Metro Manila kaugnay sa nalalapit na long holiday celebration, maging sa mga araw na idineklarang regular holiday at walang pasok.

Nananawagan ang Philippine Ports Authority sa Maritime Industry Authority o Marina para sa karagdagang biyahe ng mga barko sa bansa.
Ayon sa PPA, magiging balewala anila ang pagsunod sa online ticketing system ng mga shipping company kung kapos naman ang biyahe ng mga barko.

Naka-standby na ang lahat ng medical personnel sa iba't ibang ospital ayon sa DOH bilang paghahanda sa mga pasyenteng posibleng dumagsa sa mga ospital ngayong holiday season.
Naka-code white alert na ang DOH simula pa noong December 21 at tatagal ito hanggang January 6 sa pagbubukas ng bagong taon.