
Wala pang naghahain ng reklamo sa House Committee on Ethics and Privileges kaugnay ng umano’y ginawang pananakit ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez kay Philippine Fencing Association Pres. Rene Gacuma sa Thailand sa gitna ng Southeast Asian Games.

Nakakuha ng impormasyon ang Department of Interior and Local Government tungkol sa ipinapagawang bahay ng puganteng si Zaldy Co dito sa Pilipinas.
Ayon sa kalihim ng ahensya, pinaghihinalaang ang basement nito ay para gawing imbakan ng pera.

Positibo sa anti-depressant drug ang labi ng yumaong si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
Ito ay base sa toxicology report mula sa initial finding ng Philippine National Police.

Nag-medical leave si Benguet Police Provincial Director Police Colonel Lambert Suerte sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.

Walang makakasamang pamilya si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa December 25 at January 1 dahil ipinagbabawal ng patakaran ng International Criminal Court ang holiday visit sa mga detention center.