
Isang henerasyon sa Ukraine ang lumalaking tila nasa walang katapusang lockdown.
Kumusta na ang mga kabataan sa Ukraine, at paano nila hinaharap ang buhay sa gitna ng walang pahingang takot, pag-iisa, at trauma mula sa pandemya na sinundan ng digmaan sa Russia?

Hindi magsasara at tuloy-tuloy ang biyahe ng mga barko sa Batangas Port ngayong holiday season.
Samantala, simula noong December 13 hanggang kaninang tanghali, umabot na sa halos 200,000 pasahero ang naitalang umalis sa Batangas Port.

May ilang pasahero pa ring humabol sa huling biyahe ng barko ngayong gabi sa Manila Northport Passenger Terminal.

Patuloy ang pagdagsa ng last-minute shoppers sa Divisoria sa lungsod ng Maynila.
Kung noong mga nagdaang araw ay tila matumal ang bentahan, todo-effort ngayon ang mga tindera para mas mapalaki ang kita.
Dahil sa kapal ng bilang ng tao sa lugar, mas hinigpitan ng mga awtoridad ang seguridad sa buong pamilihan.

Kabi-kabilang holiday parties, reunions, at get-togethers ang karaniwang pinagkakaabalahan ng marami ngayon.
Ngunit may paalala ang mga eksperto tungkol sa tinatawag na binge eating.
Ano nga ba ang maaaring mangyari kapag nasosobrahan sa pagkain?