Patuloy ang pagdagsa ng last-minute shoppers sa Divisoria sa lungsod ng Maynila.
Kung noong mga nagdaang araw ay tila matumal ang bentahan, todo-effort ngayon ang mga tindera para mas mapalaki ang kita.
Dahil sa kapal ng bilang ng tao sa lugar, mas hinigpitan ng mga awtoridad ang seguridad sa buong pamilihan.























