
Bakit tila mabagal ang ating komunikasyon sa simula ng taon?
Paliwanag ng mga eksperto, alamin.

Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na ang Estados Unidos at iba pang kaalyadong bansa ang pinakamalaking maaasahan ng Pilipinas sa paggiit ng karapatan nito sa West Philippine Sea.
Batay sa survey, mas pinipili ng publiko ang mga bansang gumagalang sa international law at sumusuporta sa soberanya ng bansa, lalo na sa harap ng tumitinding agresibong paggiit ng China sa nasabing teritoryo.

Inaresto kaninang umaga si retired Air Force General Romeo Poquiz kaugnay ng panawagan nito laban sa pamahalaan, ayon sa Philippine National Police.
Kalaunan ay nakalaya rin siya matapos maglagak ng piyansa sa korte.

Kinumpirma ng mga pulis na nakilala na ang lahat ng 40 biktima ng sunog sa isang bar sa ski resort ng Crans-Montana sa Switzerland noong bisperas ng 2026.
Ang mga nasawi ay may edad 14 hanggang 39, kabilang ang 15 menor de edad, habang 119 pa ang nasugatan, karamihan ay may malubhang paso.

Hinimok ni Danish Prime Minister Mette Frederiksen si U.S. President Donald Trump na itigil ang mga pahayag tungkol sa posibleng pagkuha ng Estados Unidos sa Greenland.
Giit niya, walang karapatan ang US na gawing annex ang alinmang bahagi ng Danish Kingdom.