
Mahigit 5,000 o 12.40% ang ibinaba ng krimen sa bansa noong 2025.Base ito sa tala ng Philippine National Police (PNP). Mula sa 40,771 crime incidence noong 2024, bumaba ito sa 35,717 nitong nagdaang taon.

Tiniyak ng House Public Accounts Committee ang monitoring sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa ilalim ng 2026 national budget.

Panatag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naaayon sa konstitusyon ang kaniyang nilagdaan na General Appropriations para sa taong 2026.
Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng banta ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice na kukwestiyunin niya ang legalidad ng 2026 national budget sa Korte Suprema.

Hindi pa naman tapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya patuloy ang pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ito ang binigyang-diin ng Malakanyang bilang tugon sa kritisismo na hindi umano natupad ang pahayag ni Pangulong Marcos na may makukulong na malalaking tao noong Disyembre na sangkot sa anomalya at tanging ang contractor na si Sara Discaya ang naaresto na prominenteng personalidad.

Tinanggihan ng International Criminal Court ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan sila ng access sa naging komunikasyon ng ICC registry at medical experts na sumusuri sa kondisyon ng dating pangulo.