Back

UNTV News and Rescue

1:25
Health & Lifestyle

Matandang naiwan sa danger zone ng Mt. Mayon, nailikas sa tulong ng UNTV News and Rescue

January 8, 2026 8:09 PM
PST

Isang matandang bed-ridden ang naiwan sa loob ng danger zone ng Bulkang Mayon sa Camalig, Albay matapos palikasin ang mga residente doon.

Matagumpay naman itong nailikas sa tulong ng UNTV News and Rescue team.

2:58
Politics

Proseso ng pagbubukas ng CPU ni Usec. Catalina Cabral, pinag-aaralan pa – Ombudsman Remulla

January 8, 2026 8:09 PM
PST

Patuloy pang sinusuri ng Office of the Ombudsman ang magiging proseso sa pagbubukas ng central processing unit o CPU ng computer na pagmamay-ari ng yumaong dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Maria Catalina Cabral.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa iba pang ahensya ng pamahalaan kaugnay nito.

3:07
Politics

Sen. Erwin Tulfo, dumepensa sa alegasyong may “giniling” sa 2026 budget

January 8, 2026 8:09 PM
PST

Hindi naniniwala ang isang senador na mayroon umanong “giniling” o soft pork ang naipasang pambansang pondo ng taong 2026.

Ngunit mayroon itong ilang saloobin pagdating sa mga naaprubahang unprogrammed funds.

3:34
Politics

P33-B farm-to-market road projects sa 2026, ‘di matutulad sa anomalya sa flood control – Agri Chief

January 8, 2026 8:12 PM
PST

Tiniyak ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi mauuwi sa korapsyon ang P33-bilyong farm-to-market road projects na ilalatag sa 2026.

Target din ng ahensya na mapalawak ang benteng bigas program at maabot ang nasa 60 milyong Pilipino sa buong bansa.

3:24
Crime & Investigation

NCRPO, naka full alert na; posibleng sirkulasyon ng ilegal na droga sa Traslacion, babantayan

January 8, 2026 8:12 PM
PST

Handa na ang komprehensibong security at crowd management plan ng NCRPO para sa Traslacion bukas.

Ayon sa Philippine National Police, bukod sa pagbabantay sa kaayusan at kaligtasan ng mga deboto, tututukan din ang posibleng sirkulasyon at paggamit ng ilegal na droga sa kasagsagan ng prusisyon.