Patuloy pang sinusuri ng Office of the Ombudsman ang magiging proseso sa pagbubukas ng central processing unit o CPU ng computer na pagmamay-ari ng yumaong dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Maria Catalina Cabral.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa iba pang ahensya ng pamahalaan kaugnay nito.






















