
Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magandang reputasyon ng mga overseas Filipino workers sa United Arab Emirates.
Ito aniya ang dahilan kung kaya’t naisakatuparan ang pagkakaroon ng isang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at UAE, na kauna-unahan sa buong Middle East.

Mas malaking oportunidad sa mga Pilipino ang aasahan sa pagkakalagda ng kauna-unahang kasunduan nang Pilipinas sa United Arab Emirates kahapon, January 13.
Kasama si UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa Comprehensive Economic Partnership Agreement o CEPA.

Ilang Pilipinong mangingisda ang muling nakaranas ng pangha-harass mula sa mga barko ng China sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Inihayag ng Land Transportation Office na mahigpit nilang ipatutupad ang mga hakbang kontra fixers.
Ayon sa LTO, bukod sa hindi dumaan sa pag-aaral patungkol sa batas trapiko, isa pa sa panganib ng maidudulot ng fixer sa isang aplikante ay ang ma-scam.

Mistulang mga holdaper kung ituring ng Department of the Interior and Local Government ang mga tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Fire Protection na kumikita umano sa mga proyekto ng ahensya.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng DILG, lumalabas na tumatanggap ng hindi bababa sa 15 bilyong pisong kickback ang mga ito mula sa mga binibiling fire truck.