Mistulang mga holdaper kung ituring ng Department of the Interior and Local Government ang mga tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Fire Protection na kumikita umano sa mga proyekto ng ahensya.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng DILG, lumalabas na tumatanggap ng hindi bababa sa 15 bilyong pisong kickback ang mga ito mula sa mga binibiling fire truck.






















