
Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang rekomendasyon na magsagawa ng special election sa ikalawang distrito ng Antipolo City.
Layon nitong punan ang naiwang pwesto ni Rep. Romeo Acop sa Kamara matapos itong pumanaw noong December 20.

Iisyuhan ng Senado ng subpoena si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing.

Ipinagtanggol ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ang itinatag niyang solar energy company.
Ito ay matapos ipahayag ni Energy Secretary Sharon Garin na pumalya ang Solar Philippines na mag-produce ng kuryente na commitment nito sa pinagkasunduang timeline.

Ilang isyu at impormasyon kaugnay ng flood control scandal ang nais alamin at linawin ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagpapatuloy ng kanilang pagdinig sa susunod na linggo.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson, mas marami pang impormasyon ang gusto nilang malaman kaugnay ng tinaguriang Cabral files.

Hindi hadlang ang kakulangan ng mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure upang magampanan nito ang kanyang mandato.
Naniniwala ang Malakanyang na kakayaning magtrabaho ng ICI kahit pa nag-iisa lamang ang miyembro nito sa katauhan ng mismong chairperson nito ni dating Justice Andres Reyes Jr.