
Naghain ng mosyon sa korte sa Lipa at Santa Cruz, Laguna ang kampo ni Atong Ang noong nakaraang linggo.
Layon nitong ipawalang bisa ang warrants of arrest na inisyu laban sa kanilang kliyente.

Nagbabala ang Department of Justice sa abogado ng business tycoon na si Atong Ang, kaugnay sa payo nito sa kaniyang kliyente na huwag munang sumuko sa mga awtoridad.
Sa kabila ito ng inilabas na warrant of arrest ng ilang korte para kay Ang, kaugnay ng kaso ng nawawalang mga sabungero.

Nagdudulot ng malakas na pabugsu-bugsong hangin sa ilang bahagi ng Luzon ang hanging amihan.

Inaabangan na ng publiko ang resulta ng forensic investigation sa sunog na naganap sa DPWH–Cordillera office sa Baguio City.
Ayon sa lokal na pamahalaan, posibleng may lumabas na mahalagang resulta ngayong araw. Bantay-sarado naman ang fire scene habang hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Ilang personalidad ang inaasahang dadalo sa pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.