
Mariing kinondena ni South Korean President Lee Jae-Myung ang mahal na presyo ng mga hotel booking sa Busan na halos sampung beses na umano ang itinaas kumpara sa orihinal na presyo nito kasunod ng anunsyo ng BTS World tour.

Hindi bababa sa 21 ang nasawi at mahigit pitumpu ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang high-speed train malapit sa bayan ng Adamuz, Cordoba sa Southern Spain.
Suspendido ang lahat ng biyahe ng tren sa pagitan ng Madrid at Andalusia.

Dumating na sa bansa ang pinakabagong offshore patrol vessel ng Philippine Navy mula sa South Korea. Ayon sa Philippine Navy tatawagin itong BRP Rajah Sulayman o PS20.

Ikino-konsidera na ng PNP Firearms and Explosives Office na loose firearms na ang mga baril ng negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang.
Dahil sa kabiguang i-surrender sa mga awtoridad ang kaniyang mga armas matapos na kanselahin ang kanyang license to ownded and possess firearms at registration.

Ini-anunsyo ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakatuklas sa reservoir ng natural gas sa Malampaya East-1.
Ayon sa Pangulo, naglalaman ang reservoir ng aabot sa 98 billion cubic feet ng natural gas o katumbas ng nasa halos 14 billion kilowatt hour ng kuryente.