
Naniniwala si House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na dapat humarap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdinig ng impeachment complaint laban sa kaniya oras na mai-refer na ang reklamo sa House Committee on Justice.

Inaprubahan ng National Police Commission ang optional retirement ni dating PNP Chief General Nicolas Torre III.
Dahil sa pag-apruba ng NAPOLCOM, inaasahang magiging full-fledged chief si Acting PNP Chief LT Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa ranggong four-star general.

-Revilla at 4 na kapwa akusado, posibleng pagsama-samahin sa sa iisang selda -Curlee Discaya, iginiit na tila ninanakawan sila sa proseso ng WPP -Sen. Joel Villanueva, humingi ng palugit para maghain ng sagot sa reklamong malversation sa DOJ

Magkakasama ngayon sa iisang holding area sina dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at mga kapwa nito akusado matapos mag-isyu ang Sandiganbayan ng commitment order sa kanilang kasong malversation. Sa New Quezon City Jail sa Payatas natulog ang mga ito kagabi.

Tinawag ni Sen. Imee Marcos na drama series ang impeachment complaint kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. May pahayag rin ang presidential sister sa impeachment complaint na inaasahan namang ihain laban kay Vice President Sara Duterte.