Magkakasama ngayon sa iisang holding area sina dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at mga kapwa nito akusado matapos mag-isyu ang Sandiganbayan ng commitment order sa kanilang kasong malversation. Sa New Quezon City Jail sa Payatas natulog ang mga ito kagabi.






















