
Tiniyak ng Philippine Navy na mahigpit pa rin ang seguridad sa Malampaya gas field matapos matuklasan ang panibagong natural gas sa Malampaya East-1.
Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, matagal nang binabantayan ang lugar ng joint task force Malampaya sa ilalim ng Western Command.

Nagtipon-tipon sa harapan ng tanggapan ng Department of Justice ang ilang mga grupo para ipanawagan ang pagpapawalang-sala sa journalist na si Frenchie Mae Cumpio.
Bukas ang nakatakdang schedule sa pagbababa ng hatol ng korte kay Cumpio na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms, at terrorism financing.

Nagtungo si dating Senador Antonio Trillanes IV at ang The Silent Majority na isang civil society group sa Office of the Ombudsman upang magsampa ng plunder at graft complaints laban kay VP Sara Duterte.

Mapapadalas umano sa korte si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon matapos tumestigo sa pagdinig sa Sandiganbayan.
Bahagi ito ng nagpapatuloy na bail petition hearing sa malversation charges kaugnay ng flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Inihayag ng Malacañang kahapon na nakadepende ang kapalaran ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa isusumite nilang report kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.