Back

UNTV News and Rescue

3:21
Politics

Trump, nanindigang hindi aatras sa layuning makuha ang Greenland

January 21, 2026 8:52 PM
PST

Nanindigan si U.S. President Donald Trump na hindi niya babawiin ang layuning makuha ang Greenland.

Giit pa niya, naniniwala siyang hindi kayang ipagtanggol ng Denmark ang Greenland laban sa banta ng China at Russia.

4:52
Politics

Cash for Work program ng DSWD para sa displaced families ng Mt. Mayon, nag-umpisa na

January 21, 2026 8:52 PM
PST

Nagsimula na ang trabaho ng mga evacuee na naapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa loob ng 6-km permanent danger zone.

Bahagi ito ng programa ng DSWD para sa displaced families, kabilang ang 21 pamilyang nasa labas ng 6-km danger zone na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan.

3:33
Politics

COA report sa unliquidated cash advances, unauthorized accounts, ‘di nangangahulugan ng korapsyon

January 21, 2026 8:52 PM
PST

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi otomatikong nangangahulugan ng korapsyon ang mga natuklasan ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng mahigit ₱200-M na hindi pa nali-liquidate na cash advances at humigit-kumulang ₱70-M hindi awtorisadong bank accounts ng ilang unit nito.

1:06
Politics

Sen. Bato dela Rosa, naglabas ng pahayag kasabay ng kaniyang kaarawan

January 21, 2026 8:51 PM
PST

Kinumpirma ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nasa maayos siyang kalagayan matapos ang 3 buwang hindi niya pagpapakita sa Senado.

Ito ay sa gitna ng ulat na may arrest warrant laban sa kaniya ang International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.

2:44
Politics

TWG ng ICI, tuloy ang trabaho kahit wala na ang 2 commissioner

January 21, 2026 8:48 PM
PST

Magpapatuloy ang trabaho ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), isa sa mga Technical Working Group ng Independent Commission for Infrastructure, upang habulin ang mga sangkot sa flood control anomaly.

Samantala, inihayag ng CICC na patuloy na gumagastos ang pamahalaan hangga’t hindi naibabalik sa Pilipinas ang frozen air assets ni dating Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co.