Nagsimula na ang trabaho ng mga evacuee na naapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa loob ng 6-km permanent danger zone.
Bahagi ito ng programa ng DSWD para sa displaced families, kabilang ang 21 pamilyang nasa labas ng 6-km danger zone na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan.






















