Back

UNTV News and Rescue

1:07
Politics

Panibagong referrals sa Ombudsman kaugnay ng flood control anomaly sa Cebu, tinatapos na ng DPWH

January 22, 2026 10:59 AM
PST

Malapit nang matapos ng legal team ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang panibago nilang referral sa Office of the Ombudsman. Ito ang inihayag ni DPWH Sec. Vince Dizon nang matanong tungkol sa update sa inihahanda nilang referral kaugnay ng umano'y anomalya sa mga proyektong kontra baha sa Cebu.

1:31
Politics

Ugnayan nina Cong. Leviste at ex-Sec. Pangandaman sa Solar PH, di dapat gawan ng malisya

January 22, 2026 10:55 AM
PST

Kinumpirma ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na original incorporator si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Solar Philippines Power Project Holdings Inc., ang kumpanyang kanyang itinatag. Ayon kay Leviste, ito ay bago pa naging kawani ng gobyerno si Pangandaman, at may isang nominal share lamang siya sa kumpanya.

1:01
Politics

Sen Imee Marcos, dinepensahan ang minority report na ibabasura umano ni Sen. Ping Lacson

January 22, 2026 10:50 AM
PST

Hindi umano si Senator Imee Marcos ang may basurang pinagtatakpan. Ito ang kaniyang tugon sa mga bwelta ni Senador Panfilo Lacson sa tinaguriang minority report.

1:15
Politics

Panibagong impeachment complaint vs PBBM, ihahain ngayong araw

January 22, 2026 10:44 AM
PST

Ihahain ngayong araw, January 22 ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang batayan umano ay pagtataksil sa tiwala ng publiko dahil sa pandarambong sa pondo ng bayan.

1:34
Politics

Bank accounts ni VP Sara, nais ipasilip sa Ombudsman at AMLC

January 22, 2026 10:41 AM
PST

Pinabubuksan ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang mga bank account ni Vice President Sara Duterte sa publiko. Ito'y upang makita umano ang mga maanomalyang transaksyon ng bise presidente.