
Itinanggi ni Justice Secretary Fredderick Vida ang impormasyong pinagbabawalan umano ang National Bureau of Investigation o NBI sa paghahanap o pagtugis sa negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang.

Maaaring mag-inhibit si Senador JV Ejercito sa paghawak ng ethics complaint laban sa kaniya.
Ito ay habang siya ang naitalagang chairperson ng Senate Committee on Ethics and Privileges.

Magsasagawa ng dalawang araw na oral arguments ang Korte Suprema sa mga petisyon laban sa General Appropriations Act o GAA noong 2024, 2025 at ngayong taon.
Itinakda ito sa April 8 at 22, 2026 sa Baguio City.

Sinampahan ng ethics complaint ang mismong chairperson ng Senate Committee on Ethics na si Senador JV Ejercito.
Inihain ito ng isang abogado dahil sa umano’y kawalan aksyon sa nauna nitong ethics complaint laban kay Senador Francis Escudero.

Samantala nakatakda namang bumisita at mag-inspeksyon sa kulungan ni dating Senador Bong Revilla ang mga mahistrado ng Sandiganbayan.
Kaugnay yan ng kahilingan ng dating mambabatas na mailipat siya sa PNP Custodial Center.