
Magsasagawa ng dalawang araw na oral arguments ang Korte Suprema sa mga petisyon laban sa General Appropriations Act o GAA noong 2024, 2025 at ngayong taon.
Itinakda ito sa April 8 at 22, 2026 sa Baguio City.

Sinampahan ng ethics complaint ang mismong chairperson ng Senate Committee on Ethics na si Senador JV Ejercito.
Inihain ito ng isang abogado dahil sa umano’y kawalan aksyon sa nauna nitong ethics complaint laban kay Senador Francis Escudero.

Samantala nakatakda namang bumisita at mag-inspeksyon sa kulungan ni dating Senador Bong Revilla ang mga mahistrado ng Sandiganbayan.
Kaugnay yan ng kahilingan ng dating mambabatas na mailipat siya sa PNP Custodial Center.

Hindi natuloy ang nakatakdang arraignment ngayong araw ni dating Senador Ramon Bong Revilla Junior at mga kapwa akusado sa kasong malversation kaugnay ng pagkakadawit nila sa flood control corruption scandal.

Hindi apektado ang trabaho ng Department of Justice at Department of Public Works and Highways kahit pa tuluyan nang mawala ang Independent Commission for Infrastracture o ICI.
Ito ang inihayag ng dalawang ahensya nang tanungin kaugnay ng imbestigasyon sa flood control projects scandal.