
Hindi kasama sa topic ng mag-amang Rodrigo at Sara Duterte ang anomang tungkol sa kaso ng dating pangulo nang magkita sila sa loob ng International Criminal Court detention facility. Ayon kay VP Sara, mahigpit na ipinagbabawal ng ICC na matalakay ito sa sinumang bibista sa former president.

Naniniwala ang ekonomista at University of the Philippines professor na si Astro del Castillo na apektado ng isyu sa flood control ang ekonomiya ng Pilipinas sa kasalukuyan. Ayon sa propesor, mas napagtutuunan umano ng pansin sa ngayon ang usapin sa pulitika kaysa sa ekonomiya.

Iniisa-isa na ng Technical Working Group for Asset Recovery ang tinatayang halaga ng mga yaman at ari-arian na narekober mula sa mga personalidad na sangkot sa flood control scandal.

Tinanggihan ng Sandiganbayan ang mga testigong iniharap ng prosekusyon sa pagpapatuloy ng pagdinig sa petition for bail ng 9 akusadong DPWH officials na sangkot sa flood control scandal.

Pormal nang naglabas ng subpoena ang panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) laban kina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Senador Jinggoy Estrada, at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.