
Lumagda sa isang executive order si U.S. President Donald Trump na layong pababain ang mataas na presyo ng diesel sa Amerika.
Sa ilalim ng kautusan, pansamantalang palalawakin ang paggamit ng red-dyed diesel, na karaniwang nakalaan sa off-road vehicles at machinery, para magamit din sa mga highway.

Hinamon ng National Bureau of Investigation ang kampo ni Vice President Sara Duterte na patunayan ang umano’y perjury violation ni dismissed patrolman Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng sinumpaang salaysay nito tungkol sa pag-deliver ng pera sa pamilya Duterte.

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang ilang alegasyon ni dismissed police officer Rodulfo Graciano Jr. kaugnay ng umano’y paghahatid sa kanya ng mga maletang naglalaman ng pera.
Sa pahayag ng Bise Presidente, hindi umano totoong nasa Marinduque sila ni dating Davao City Chief Information Officer Jefry Tupas noong long holiday ng April 2019 at wala rin sila sa Maynila noong September 21, 2019.

‘Nagsisinungaling at walang hawak na ebidensya.’
Ito ang iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng alegasyon ni dismissed patrolman Rodulfo Gracioso Jr. na nag-deliver umano siya ng kahon-kahon at male-maletang pera sa pamilya Duterte.
Samantala, susuriing mabuti ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco ang nilalaman ng sinumpaang salaysay ni Gracioso kaugnay ng mga alegasyon nito.

Serbisyong MCGI sa Good Morning Kuya – 𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐬𝐨, 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐰𝐚
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/