Back

UNTV News and Rescue

2:09
Politics

Preliminary probe sa reklamong plunder vs. Sen. Jinggoy Estrada atbp., sisimulan na ng DOJ

February 2, 2026 2:09 PM
PST

Uumpisahan na ngayong araw, February 2,  ng Department of Justice ang preliminary investigation kaunay ng reklamong plunder na inihain laban kay Sen. Jinggoy Estrada at iba pa.  

Kaugnay pa rin ito ng isyu ng maanomalyang flood control projects.

3:17
Politics

Opisyal ng Bureau of Internal Revenue, ipatatawag sa Senado

February 2, 2026 2:08 PM
PST

Nakatakdang ipatawag ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa susunod na pagdinig ng komite.

Kasunod ito ng pag-aalis ng ahensya ng suspensyon sa pag-iisyu ng Letter of Authorization o LOA sa pangongolekta ng buwis.

4:44
Politics

Consolidation ng dalawang impeachment vs PBBM, inumpisahan nang pag-usapan

February 2, 2026 2:07 PM
PST

Sinimulan na ngayong araw ang pagpupulong ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layon nitong mai-consolidate ang dalawang reklamong impeachment at matukoy ang suffiency in form and substance nito.

4:44
Politics

Dalawang impeachment complaint laban kay VP Sara, inihain sa Kamara

February 2, 2026 2:09 PM
PST

Inihain sa House of Representatives ang dalawang panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos ideklara ng Korte Suprema na 'denied with finality' ang motion for reconsideration na isinumite ng Kamara kaugnay ng nakalipas na reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.

1:49
Politics

Rep. Gerville Luistro, nanawagan ng paglilinaw sa naging desisyon ng SC sa impeachment vs VP Sara

February 2, 2026 2:07 PM
PST

Aminado si House Justice Committee Chairperson Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na nalilito rin siya kung kailan matatapos ang one-year bar o petsa kung kailan maaaring ihain ang panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.