

Inispeksyon ng Department of Transportation at Philippine Ports Authority ang ilang barko na biyaheng Matnog, Sorsogon patungong Allen, Samar

Naglabas ng show cause orders ang Land Transportation Office laban sa dalawang driver at may-ari ng sasakyan na sangkot sa road rage sa Cainta.
Pansamantalang sinuspinde ng 90 days ang mga lisensya ng mga driver at inilagay sa alarm status ang mga sasakyan habang hinihintay ang pagdinig at paliwanag ng mga ito.

Nagkita at nagpakuha ng larawan sina First Lady Liza Araneta Marcos at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan, matapos na manood ng concert ng Chinese pianist na si Lang Lang noong Biyernes, January 30.

Uumpisahan na ngayong araw, February 2, ng Department of Justice ang preliminary investigation kaunay ng reklamong plunder na inihain laban kay Sen. Jinggoy Estrada at iba pa.
Kaugnay pa rin ito ng isyu ng maanomalyang flood control projects.