
Naghamon ng friendly debate si Senator Rodante Marcoleta sa ilang personalidad bago sila pumunta sa Kalayaan Island Group.
Kasunod ito ng pahayag ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na sumama ang senador sa pagpunta sa mga naturang lugar.
Samantala, sinabi ni Senator Juan Miguel Zubiri na lilinawin muna niya kay Marcoleta ang pahayag nito kaugnay ng pagsuko sa Kalayaan Islands.

Umapaw ang emosyon sa pagdating ni Israeli President Isaac Herzog sa Australia sa pagsisimula ng kanyang apat na araw na state visit, kung saan una niyang binisita ang mga naulila at mga nakaligtas sa pag-atake sa Bondi Beach.

Matatag na suplay ng enerhiya ang hatid ng pagsasapribado ng Caliraya-Botocan-Kalayaan Hydroelectric Power Plants sa Laguna.Ayon sa Department of Energy, maaari rin itong magdulot ng mas mababang singil sa hinaharap.

Muling ipinagpaliban ngayong araw ng Sandiganbayan ang arraignment o pagbasa ng sakdal para kay dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at isa nitong kapwa akusado.
Bunsod ito ng panibagong mga mosyong inihain ng kanilang kampo sa anti-graft court.

Wala nang haharapin pang impeachment complaint si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.Kanina ay pormal nang idinismis ng House Justice Committee ang mga reklamong inihain laban kay PBBM sa pamamagitan ng isang report at resolusyon, na isusumite rin sa plenary session ng Kamara para sa approval o disapproval.