
Dinagdagan na ng Philippine National Police ang security aide ni Cebu Governor Pamela Baricuatro kasunod ng natanggap nitong banta sa buhay, na nagsasabing ipapatay umano siya sa isang hired killer mula sa Mindanao.

Uupa ang Department of Education ng mga classroom sa mga pribadong eskwelahan upang makatugon sa classroom shortage sa bansa.
Ngayong araw, inilunsad ng DepEd ang kauna-unahang classroom leasing project na layong makadugtong sa mga silid-aralan sa mga matataong lugar sa bansa.

Sa gitna ng pagbuo ng committee report ng Senado sa isinagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon sa anomalya sa mga proyekto ng gobyerno, isinusulong ng ilang mambabatas na tiyaking matibay ang mga kasong maaaring isampa sa mga akusado upang hindi mauwi sa trial by publicity ang kaso, lalo na at ilang senador ang posibleng makasama sa makakasuhan.

Isa na namang impeachment complaint ang inihain kanina sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Nagmula sa religious groups at mga abogado ang mga complainant nito, at ang ikatlong reklamo ay ini-endorso ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima.

Nagtalaga ang Department of Foreign Affairs ng sarili nitong tagapagsalita para sa maritime issues, kabilang ang West Philippine Sea, sa gitna ng umiinit na palitan ng pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan at ng Chinese Embassy sa bansa.
Ayon sa DFA, hindi ito reaksyon sa mga nagdaang patutsadahan kundi pagbibigay ng nararapat na importansya sa mga isyu kaugnay ng WPS.