Back

UNTV News and Rescue

1:27
Politics

Kampo ni Revilla, nanawagan ng pag-alis sa Sandiganbayan justice sa paghawak ng kasong malversation

February 10, 2026 9:59 AM
PST

Pinagbibitiw ng kampo ni dating Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. si Justice Karl Miranda sa paghawak ng kasong malversation ng dating senador.

Isang urgent motion for inhibition ang isinumite nito sa Sandiganbayan Third Division kahapon, na isa sa sanhi ng pagpapaliban ng arraignment ni Revilla sa susunod na linggo, February 16.

1:16
Politics

Friendly debate, hamon ni Sen. Rodante Marcoleta bago ang pagpunta sa Kalayaan Island Group

February 10, 2026 9:59 AM
PST

Handang makipagdebate si Senate Minority Deputy Floor Leader Rodante Marcoleta kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, gayundin kina dating Associate Justice Antonio Carpio at UP College of Law Professor Dr. Jay Batongbacal.

Ito ay kasunod ng imbitasyon ng PCG commodore sa senador na bumisita at lumahok sa isang maritime domain awareness flight sa Kalayaan Island Group.

1:12
Politics

Ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, inendorso ni ML Rep. De Lima

February 10, 2026 9:58 AM
PST

Isa na namang impeachment complaint ang inihain kahapon sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte galing sa reklamo ng religious groups at mga abogado.

Ang ikatlong reklamo inendorso muli ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima.

1:18
Politics

PBBM, kumpiyansa sa patuloy na pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at U.S.

February 10, 2026 9:58 AM
PST

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa patuloy na pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang ipinahayag ng Pangulo nang kaniyang pangunahan ang paglulunsad ng special logo ng pamahalaang Pilipinas at U.S na gagamitin sa pagdiriwang sa makasaysayang ugnayan ng dalawang bansa na itinatag noong July 4, 1946.

1:18
Politics

House Justice panel, kinumpirma ang dismissal ng mga reklamong impeachment laban kay PBBM

February 10, 2026 9:57 AM
PST

Tuluyan nang inilibing ng Kamara ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay matapos pagtibayin ng House Justice Committee ang committee report na nagsasabing insufficient in substance ang dalawang reklamo, kasama ang resolusyon para sa kanilang dismissal.