Back

UNTV News and Rescue

1:23
Weather & Environment

Victoria, Oriental Mindoro, halos tatlong buwan nang binabaha

February 12, 2026 9:10 AM
PST

Halos tatlong buwan nang lubog sa baha ang apat na barangay malapit sa Naujan Lake sa Victoria, Oriental Mindoro at lalo pang lumalala dahil sa malakas na ulan dulot ng shear line.  

Pinakamalubha ang sitwasyon sa Barangay Malabo kung saan halos 200 bahay ang nananatiling lubog sa tubig.

1:07
Politics

Limitadong access sa social media ng minors, napapanahon na – DICT

February 12, 2026 9:10 AM
PST

Naniniwala si Information and Communications Technology (DICT) Sec. Henry Aguda na napapanahon na para magkaroon ng limitadong access sa social media ang mga menor de edad, partikular ang mga batang 16 taong gulang pababa.

1:36
Politics

Pagkakaroon ng mas maraming validators sa election result, inirekomenda ng DICT

February 12, 2026 9:10 AM
PST

Inirerekomenda ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagkakaroon ng mas maraming validators na magbabantay sa magiging resulta ng eleksyon sa bansa.  

Inaayos na ng DICT ang ilang preparasyon na makatutulong sa Commission on Elections (Comelec) para sa 2028 national at local elections sa bansa.

1:11
Politics

Pagbabago sa 1987 Constitution, hindi sapat na tugon sa korapsyon – SC Justice Leonen

February 12, 2026 9:11 AM
PST

Hindi kabuuang solusyon kontra korapsyon ang pagpapalit ng Konstitusyon ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen.  

Kasunod ito ng mga umuugong na pagsusulong ng Charter Change o pagpapalit sa 1987 Constitution.

1:27
Politics

Flood control scam accountability, di lang nakadepende sa Blue Ribbon report – Ombudsman

February 12, 2026 9:11 AM
PST

Ayon kay Ombudsman Crispin Remulla, hindi lang ang ulat ng Senate Blue Ribbon Committee ang magiging basehan sa pagtukoy ng pananagutan sa flood control scam.

Ayon pa dito, ang evidentiary value o bigat ng mga ebidensya gaya ng mga testimonya ng mga testigo ang kanilang hinahangad na isama sa isusumiteng Blue Ribbon Committee report ng Senado.