
Mino-monitor ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon sa Canada kung mayroong mga Pilipinong naapektuhan ng mass shooting.

Tumanggap ng mga bagong sasakyan ang Philippine National Police mula sa pribadong kumpanya ng sigarilyo.
Kabilang sa mga donasyon ang 2 rapid response boats at 30 na motorsiklo.

Mas paiigtingin pa ng Philippine National Police ang mga hakbang na kanilang ginagawa laban sa muling pag-usbong ng mga ilegal na online cockfighting o e-sabong sa bansa.
Nauna nang ipinagbawal ang operasyon ng e-sabong sa bansa, subalit patuloy pa rin itong binabantayan ng PNP dahil sa mga palihim na operasyon online.

Naglabas ng panibagong warrant of arrest ang Regional Trial Court Branch 29 sa San Pablo, Laguna laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” at lima pang akusado kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Nagsasagawa ng pagdinig ang House Committee on Transportation sa nangyaring paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan.
Inimbitahan sa pagdinig ngayong araw ang ilang kinatawan ng Department of Transportation, Maritime Industry Authority, at ilang survivors sa trahedya.