Back

UNTV News and Rescue

1:31
Crime & Investigation

Tunay na nangyari sa kapitan ng M/V Trisha Kerstin 3, nais paimbestigahan sa NBI

February 13, 2026 8:29 AM
PST

Nais paimbestigahan sa National Bureau of Investigation (NBI) kung ano ang nangyari sa kapitan ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3.  

Ayon sa Aleson Shipping Lines, kabilang sa mga nawawala ang ship captain.

1:19
Crime & Investigation

Driver ng kotse na nakabundol sa nahulog na estudyante sa LRT station, pinakawalan na

February 13, 2026 8:28 AM
PST

Pinakawalan na ng Quezon City Police District ang driver ng kotse na nakabundol sa estudyante na nahulog mula sa platform ng LRT Line 1 sa Fernando Poe Jr. station noong Miyerkules ng umaga, February 11.  

Ayon sa QCPD, ito ay matapos maglabas ng notaryadong manifestation ang tatay ng biktima na hindi sila magsasampa ng reklamo laban sa driver ng kotse.

1:15
Politics

Panukalang Defensive Driving Protection Act, napapanahon nang maging batas ayon sa isang senador

February 13, 2026 8:24 AM
PST

Naniniwala si Sen. JV Ejercito na napapanahon na para maging isang ganap na batas ang panukalang Defensive Driving Protection Act.  

Layunin ng panukalang batas na mabigyan ng proteksyon ang isang nagmamaneho ng sasakyan laban sa unjust detention at arbitrary cases.

1:26
Politics

Isa pang warrant of arrest vs. Ang, inilabas ng San Pablo RTC; intensive manhunt ops, isasagawa

February 13, 2026 8:23 AM
PST

Naglabas ang Regional Trial Court Branch 29 ng San Pablo City, Laguna ng panibagong warrant of arrest laban kay Atong Ang at lima pang akusado sa missing sabungero case.

Samantala, inaprubahan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbili ng LiDAR drone na makatutulong para sa paghahanap kay Ang at sa iba pang high-profile fugitives.

1:17
Politics

Warrant of arrest kay Atong Ang, isinilbi ng NBI sa dalawang bahay sa Makati

February 13, 2026 8:23 AM
PST

Pinuntahan ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang bahay sa isang exclusive subdivision sa Makati City matapos makatanggap ng impormasyon na naroon umano ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Subalit walang Atong ang nakita sa loob ng dalawang properties.