Pinakawalan na ng Quezon City Police District ang driver ng kotse na nakabundol sa estudyante na nahulog mula sa platform ng LRT Line 1 sa Fernando Poe Jr. station noong Miyerkules ng umaga, February 11.
Ayon sa QCPD, ito ay matapos maglabas ng notaryadong manifestation ang tatay ng biktima na hindi sila magsasampa ng reklamo laban sa driver ng kotse.






















