
- Hamon na hair follicle drug test, hindi umano papatulan ni PBBM ayon sa Malacañang
- P100-billion insertions sa 2025 budget, totoo pero ’di utos ni PBBM – Sen. Lacson
- AFP, iniimbestigahan ang posibleng financier ng rally ng retired military officials

Libu-libong kabataan sa Baguio at Benguet ang kontra sa umano’y malawakang korapsyon sa pamahalaan.
Nasa labas ang mga estudyante kahapon para sa malaking walkout at protesta.

Iimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang idinaos na rally ng United People's Initiative o UPI sa People Power Monument na posible umanong pinondohan, lalo’t kapansin-pansin ang laki at organisadong preparasyon ng aktibidad.
Maging ang pagkain na inihain sa mga dumalo ay nagbigay ng indikasyon ng posibleng may malaking financier sa likod ng aktibidad.

Nagtungo ng Albay kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at naghatid ng tulong sa mga kababayan natin na nasalanta ng Bagyong Uwan.
Hindi naman natuloy ang nakatakda sanang pagbisita ng Pangulo sa Camarines Sur bunsod ng masamang lagay ng panahon.

May nalabag umano ang ilang lumahok sa ginawang kilos-protesta ng United People's Initiative, kung kaya’t hindi na pinahintulutan ng Quezon City local government unit ang dapat sana’y pangatlong araw ng rally kahapon sa EDSA White Plains Avenue sa Quezon City.