
Inaasahang padadalhan ng Commission on Elections o Comelec ng show cause order si Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng hindi pagtutugma ng lumabas sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN sa idineklara naman nito sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE noong 2025 elections.
Lumabas na mas malaki pa ang ginastos ng senador noong halalan kaysa sa kanyang total assets.

Muling ipinagtanggol ni Senator Rodante Marcoleta si dating Marine Technical Sergeant Orly Guteza.
Kaugnay ito ng pagsasangkot ni Guteza kay resigned Congressman Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sisilipin na ng Office of the Ombudsman ang mga indibidwal na idinadawit ni dating Congressman Zaldy Co sa inilantad nitong P100-B na insertions sa 2025 national budget.
Tiniyak din ng Ombudsman na handa silang magbigay ng proteksyon sa nagbitiw na kongresista kung nanaisin nitong umuwi ng Pilipinas.

Hindi muna itinuloy ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang referral sa Office of the Ombudsman laban sa 3 senador na sinasabing sangkot sa flood control scandal.
Pinag-aaralan pa ng ICI ang affidavit na isinumite ni dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo.
Ayon sa komisyon, gagamitin ang affidavit bilang ebidensya sa mga susunod nilang rekomendasyon sa Office of the Ombudsman.

Pinuna ng dating mambabatas at dating presidential adviser on political affairs na si Jing Paras ang umano’y pagtatanggol ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Panfilo Lacson kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay ng mga isyu ng budget insertions at umano’y kickbacks.
Pinag-aaralan na rin ng ilang kaalyado ng mga Duterte ang paghahain ng impeachment complaint laban sa pangulo.