
Ikinatuwa ng Department of Justice o DOJ ang naging desisyon ng hukuman kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo at multang ₱2 milyon bawat isa si Guo at pitong kapwa akusado.

Hindi pa rin lusot sa kaso si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa kabila ng posibilidad na ito’y maging state witness, ayon sa Office of the Ombudsman.

Mahigpit na mino-monitor ng National Security Council o NSC ang mga usapin kaugnay ng umano’y destabilisasyon sa pamahalaan.
Kasunod ito ng iba’t ibang pangyayari sa bansa gaya ng sunod-sunod na kilos-protesta na nag-ugat sa maanomalyang flood control projects at mga awayan sa pulitika.

Pinangunahan ng presidential son, House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang paglagda sa manifesto of support ng tinatawag na Northern Luzon Alliance para kay House Speaker at Isabela 6th District Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy III.
Inilabas ang manifesto of support sa gitna ng ugong ng palitan ng liderato sa Kamara.

Ipinanawagan ng Makabayan Bloc ang agarang imbestigasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga cabinet members ng administrasyon na idinadawit sa kickback scheme sa government infrastructure projects.