
Gumuho ang lupa sa bahagi ng kalsada ng Brgy. Sanghay sa Mati City, dahilan upang isara ito sa mga sasakyan.
May malalaking bato umanong gumulong mula sa bundok, at ilang puno ang pinangangambahang mabuwal dahil sa naging paggalaw ng lupa.

Inaasahang bababa na ang presyo ng sibuyas sa susunod na linggo, ayon sa Department of Agriculture o DA, bunsod ng tuloy-tuloy na isinasagawang importasyon ngayon ng sibuyas.

Naibenta na kahapon ng Bureau of Customs ang tatlo mula sa pitong luxury vehicles na pagmamay-ari ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sara Discaya.
Nakakolekta ang BOC ng nasa mahigit ₱38.2 million mula sa mga isinubastang sasakyan.

Isinumite na ng Department of Agriculture ang report ng missing project o ghost farm-to-market road sa Office of the President.
Ayon sa ahensya, tinatayang nasa ₱52 million ang halaga ng proyekto na nawawala at hindi natapos.

Tagumpay na maituturing ng ilang mga senador ang ibinabang hatol ng korte laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa iba pa nitong kapwa akusado kaugnay sa kasong qualified human trafficking na isinampa laban sa mga ito dahil sa nadiskubreng POGO operation sa kanilang bayan.
Para sa ilang mambabatas, nakamit ang hustisya ng mga tunay na biktima ng mga pang-aabuso at iba pang kriminalidad na idinulot ng POGO.