
Kaduda-duda para sa Malacañang ang mga inilalabas na recorded video ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, partikular na ang pagdawit nito sa administrasyong Marcos sa anomalya sa flood control projects.
May hamon na muli ang Palasyo sa dating mambabatas.

Panibagong rekomendasyon ang tinanggap ng Office of the Ombudsman para kasuhan ang umano’y cong-tractors sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, 10% ng House of Representatives ang nakikitang sangkot sa malawakang korapsyon sa flood control scandal.

Tinangka umano ng kampo ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na i-blackmail si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa naging pahayag ng Pangulo sa kanyang pinakabagong ulat sa estado ng flood control cases.
Sinabi rin ni PBBM na may 8 pang kongresistang irerekomenda para sampahan ng kaso kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyektong flood control.

- VP Sara Duterte, muling nagpatutsada sa Marcos administration
- Motibo sa ‘installment’ na pagbubulgar ni ex-Cong. Zaldy Co, pinagdududahan ng isang mambabatas
- Alegasyon ni Zaldy Co na P97 billion insertions sa 2026 budget, mariing itinanggi ng Kamara

Nag-issue na ang South Bangkok Criminal Court ng arrest warrant para kay Anne Jakrajutatip, dating co-owner ng Miss Universe Organization, matapos itong hindi dumalo sa nakatakdang pagbasa ng hatol sa kasong fraud na nakasampa laban sa kaniya.