
Tatlo pang ilegal na pagawaan ng sigarilyo ang natuklasan ng mga otoridad sa Pampanga.
Inaalam na ng mga awtoridad ang kaugnayan ng tatlong warehouse at ilegal na pagawaan ng sigarilyo na naunang natuklasan sa Mexico noong Feb.4.

Magkatuwang na inaresto ng Bureau of Immigration o BI, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang government intelligence agencies ang isang 30-anyos na Mongolian national.
Batay sa intelligence information, nagtapos umano ang suspek bilang jet fighter pilot at hinihinalang may kaugnayan sa pamahalaan ng China.

Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na ang suhol o bribery ang pinakakaraniwang anyo ng korapsyon sa bansa, batay sa tugon ng masa survey ng Octa Research na kinomisyon ng Office of the Ombudsman.

Nahuli ng mga awtoridad ang isang trenta-anyos na South African matapos makumpiska ang tinatayang 40.8 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport.

Pinangunahan ni House Speaker Faustino Bojie Dy III kasama ang mga dating House Speakers ang pag-alala sa ginawang paglilingkod ng yumaong si Jose de Venecia.
Sa pamamagitan ito ng isang memorial service na isinasagawa sa Kamara na dinaluhan ng mga kongresista, senador at iba pang personalidad.