Back

UNTV News and Rescue

1:50
Politics

2 Chinese warships, nagparamdam habang isinasagawa ang PH-US-AUS MMCA sa West Philippine Sea

February 18, 2026 8:42 AM
PST

Nagparamdam ang China sa West Philippine Sea habang nagpapatuloy ang 14th Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng pwersa ng Philippines, United States at Australia.  

Dalawang barkong pandigma ng People's Liberation Army Navy ang namataan sa paligid ng Bajo de Masinloc sa gitna ng naval drills.

1:07
Weather & Environment

Lava effusion at minor Strombolian activity, muling naobserbahan sa Mt. Mayon

February 18, 2026 8:41 AM
PST

Naglabas ng time-lapse footage ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na nagpapakita ng lava effusion at minor Strombolian activity sa tuktok ng Mayon Volcano.  

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang naturang aktibidad bandang 7:34 PM at 8:35 PM kagabi.

2:07
Politics

Batas sa pamamahagi ng fuel subsidy, nais paamyendahan ng ilang transport groups

February 18, 2026 8:41 AM
PST

Nais paamyendahan ng ilang grupo sa sektor ng transportasyon ang batas sa pamamahagi ng fuel subsidy sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.  

Bunsod nito, ilang grupo sa sektor ng transportasyon ang humihingi ng tulong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

0:53
Politics

Paglikha ng Coffee Industry Development Office, ipinag-utos ng Department of Agriculture

February 18, 2026 8:40 AM
PST

Ipinag-utos ng Department of Agriculture o DA ang paglikha ng Coffee Industry Development Office o CIDO.  

Layunin nito na lumikha ng mga programa para sa industriya ng kape, gayundin ang paglalaan ng pondo at pagbuo ng mga polisiya na noon ay nakakalat sa iba't ibang mga yunit.

2:18
Politics

Public consultation sa panukalang trimester sa public schools, suportado ng Malacañang

February 18, 2026 8:40 AM
PST

Nilinaw ng Department of Education o DepEd na panukala pa lamang ang trimester system at wala pang pinal na desisyon.

Dadaan din ito sa maraming konsultasyon bago tuluyang ikonsidera kung ipatutupad.  

Sa inilabas na official statement ng kagawaran, sinabi nito na nauunawaan ang pangamba na ipinunto ng mga mambabatas, guro, at stakeholders.