Nagparamdam ang China sa West Philippine Sea habang nagpapatuloy ang 14th Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng pwersa ng Philippines, United States at Australia.
Dalawang barkong pandigma ng People's Liberation Army Navy ang namataan sa paligid ng Bajo de Masinloc sa gitna ng naval drills.






















