
Naghahanda na ang Senado para sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa susunod na buwan.
Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Ping Lacson na may posibilidad na hindi ang Senate President ang mamumuno sa paglilitis bilang presiding officer.

Tuluyan nang nabaligtad ang hanay ng mayorya at minorya sa Senado kasunod ng pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan.
Ayon sa ilang senador ng minorya, tanggap na nila ang bagong Senate leadership at handa na silang magpatuloy sa kanilang trabaho.
-Sen. Sherwin Gatchalian, opisyal nang idineklarang Senate President sa isinagawang special session sa Senado ngayong araw; Sen. Tito Sotto, itinalagang bagong Senate President Pro Tempore
-Pagbabago sa liderato ng Senado, tanggap na ni Sen. Alan Peter Cayetano; Paglalabas ng katotohanan hinggil sa maanomalyang flood control projects, ipinangakong ipagpapatuloy.
- Ilang mga players ng Ateneo Blue Eagles, nagtungo na sa PNP-CIDG para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pagkasawi nina Baterbonia at Adili

Isinagawa ngayong araw, June 17, ang special session sa Senado na ipinatawag mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan inaasahang tatalakayin ang ilang prayoridad na panukala.
Ngunit wala sa sesyon ang mga senador na nasa panig ng Cayetano bloc o ni Senator Alan Peter Cayetano.

Hindi papalampasin ni Senator Erwin Tulfo ang mga umano’y gumagamit ng pangalan ng Senate Blue Ribbon Committee para sa kanilang sariling press conference.
Ito’y matapos ang nangyaring media forum ng labing-walong nagpapakilalang dating bodyguards ni Zaldy Co kahapon, June 16.