- Sen. Ronald dela Rosa, hinikayat ng Palasyo na sumuko; pagkakanlong sa kanya, banta sa national security
- Pangulong Ferdinand Marcos Jr., walang pananagutan sa unconstitutional budget ruling ng SC ayon sa Palasyo
- 2027 national budget, hindi matutulad sa mga nagdaang budget ayon sa ilang senador

Nanawagan ang ilang kinatawan ng mga bansa sa Europa ng malawakang deportasyon sa mga radikal na imigrante na sangkot sa mga kaguluhan sa rehiyon.
Kaugnay nito, nagpatupad ang Italy ng mas mabibigat na parusa laban sa mga mararahas na raliyista, kabilang ang posibleng pananagutan ng kanilang mga magulang kung mapatunayang menor de edad ang mga lumabag.

Mapipilitang dumistansya ang Amerika sa Europa kung hindi matutugunan ang mga problema sa imigrasyon at border security sa rehiyon.
Ayon kay United States President Donald Trump, ayaw niyang mangyari sa Amerika ang mga kaguluhang nakikita niya sa Europa, kaya nanawagan siyang higpitan ang border controls at pigilan ang pagpasok ng mga itinuturing niyang banta sa seguridad.

Dalawang aksidente sa motorsiklo sa Sorsogon at Negros Occidental ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team.
Limang indibidwal ang tinulungan ng team matapos magtamo ng mga sugat sa magkahiwalay na insidente.

Malaking bahagi na ng pondo ang nagastos bago ideklara ng Supreme Court na labag sa Konstitusyon ang ilang probisyon ng 2024 at 2025 national budgets, gayundin ang ilang special provisions ng 2026 national budget.
Ano ang mangyayari sa mga pondong nagamit na bago inilabas ang desisyon ng Korte Suprema?